Martes, Hulyo 29, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

     Mga Sinaunang Kabihasnan

    Ang kabihasnang Mesopotamia
- Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent
- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria 
 Sumerians


- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.
Akkadians
Picture - Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian sa Mesopotamia.

Babylonians
- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.

Hammurabi`s Code-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e,  sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay  sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

  - Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon nasa hilaga ng babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E – 1781 B.C.E) – napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.

Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay
- 1120 B.C.E – Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
 - Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng Assyria  na nagpadala ng mga mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang haring sina sennacherib at essarhaddon.
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay hinalilihan ng kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.



Chaldeans
Picture
- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur. 
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
- 539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander The Great.
Kabihasnan sa India

Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus.Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro.Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina,salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo. Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa,kambing,at elepante.Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayandito.
Kabihasnan sa Tsina
 Picture
China- Zhongua Renmin Gongheguo (People’s Republic of China)

Kabihasnan: Beijing
Wika: Mandarin
Relihiyon: Confucianism, Taoism, Buddhism
Pamahalaan: Commonist
 Pananalapi: Yuan

Kalagayang Heograpikal:
- May natural na balakid na naghihiwalay pa sa iba pang bansa
- Natuto silang gumawa ng mag-isa at hindi na umaasa pa sa iba.
- Pinaniniwalaan nila na nasa gitna sila ng mundo kaya’t tinawag nila itong Zhongguo na ibig sabihin ay Gitnang Kaharian

Sinaunang Kasaysayan:- Pagtuklas ng Homo Erectus a.k.a Peking Man
- Naitatag ng pamayanan: Yangshao at Longshao’
- Huang Ti ang Yellow Emperor

MGA DINASTIYA:

Ø  HSIA

-          Pinamumunuan ni Yu

-          Maalamat na dinastiya at walang talang naiwan

-          Nagpatayo  ng irigasyon para sa sakahan



Ø  Shang

-          An-yang ang kabisera

-          Unang Historical

-          Gumagawa ng bronze, magagarang palasyo at libingan

Ø  Chou

-          Pinamumunuan ni Wu Wang

-          Panahong Pilisopo at Piyudalismo

-          Pinakamatagal na namahala (900 taon)

-          Paniniwala sa Mandate of Heaven

-          Panahon ng Pilosopo (Confucius, Lao Tzu, Mencius)

Ø  Chin

-          Pinamumunuan ni Chao Hsiang Wang

-          Cheng, unang emperador

-          Hinago dito ang pangalang China

Ø  Han

-          Pinamumunuan ni Liu Bang

-          Xian ang kabisera

-          Pinaka-makapangyarihang emperyo

-          Nakapsok ang Buddhism sa bansa

-          Marami silang naiambag: Lunar Calendar, Sesimograph, Papel, Tinta at Brush

Ø  Sui

-          Maikling Dinastiya

-          Nagpagawan ng Grand Canal

Ø  Tang

-          Pinamumunuan ni Li Yuan

-          Chang’an ang kabisera

-          Naiambag ang “Diamond Sutra” (Unang aklat sa buong mundo)

Ø  Sung

-          Pinamumunuan ni Chao Kuang yin

-          Kai-Feng ang kabisera

Ø  Monggol

-          Pinamumunuan ni Kublai Khan

-          Peking ang Kabisera

-          Unang dayuhang namahala sa China

-          Dumagsa ang Europa sa China

Ø  Ming

-          Pinamumunuan ni Chu-Yuang-Chang

-          Nagpatayo ng palasyo tulad ng Forbidden City

Ø  Manchu

-          Pinamumunuan ni Nurchachi

-          Nasakop ang Korea

-          Si Puyi ang huling emperador ng China


Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Asya
Nagbago ang pamumuhay ng tao sa panahong neolitiko.
Nagsimula ang malawakang agrikultura.
Ang mga tao sa kapuluan ay natutong magtanim ng halamang ugat at palay.
Marunong din silang maglayag at mangisda.
Sa lambak-ilog, ang tao doon ay natutong magtanim ng mga crops. At nag aalaga din sila ng mga hayop tulad ng kabayo, tupa, camel at ox.
Nagtanim sa oasis ang mga taong nakatira sa disyerto.
Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan
Sibilisasyon [ Latin word: civitas = Lungsod]
-kabihasnan
> pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan.
> masalimout na relihiyon.
Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan.
Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura.

Sistema ng pagsulat.
Kabihasnang Sumer
Mesopotamia [ Greek word : meso = middle ; potamus= river ]


> Makikita sa Fertile Crescent ang Mesopotamia
Sa pamayanang agrikultural sa nabuo, may hamon ang kalikasan ng mesopotamia.
hindi regular ang pag apaw ng ilog at pag bagsak ng ulan.
ginawan ito ng paraan : isang lider ang mapipili upang mamahala sa pampublikong proyekto.
ito ang simula ng pag – usbong ng organisadong pamahalaan.
Mga Pamayanang Neolitiko bago ang Sumer

> Bago lumitaw ang lungsod estado ng kabihasnang Sumer sa Mesopotami
a, may ilang pamayanang Neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng Mesopotamia. Ito ay ang:
Ang Jericho sa Israel bandang 7000 B.C.E
Nag tatanim sila ng trigo at barley.
Nangangaso din sila
Nangangalakal ng sulfur at asin na galing sa dead sea.
Ang Çatal Hüyük sa Anatolia noong 6000 B.C.E
º Nangangalakal sila ng obsidian isang volcanic glass na maaaring gamitin bilang salamin, kutsilyo, at iba pang matatalas na kagamitan.
Ang Halicar sa Anatolia bandang 5700 B.C.E
Doon natagpuan ang mga katangi-tanging mga Pottery o palayok.
Nagtatanim ang mga tao rito ng trigo, barley, gisantes, mais, at hackberries.
natutunan din nilang mag-alaga ng aso.
Sistemang Pampulitika at Pang - ekonomiya
Tinatayang noong 3500 – 3000 B.C.E umusbong ang Lungsod ng Sumer.
ang mga pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer ay ang
Ur,
Uruk,

Eridu,

Lagash,
Nippur,
at Kish.
Ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay ang templo na tinatawag na
ziggurat.
Nasa tuktok ng ziggurat ang Dambana para sa mga diyos at diyosa ng lungsod.
May lugar din para sa mga bazaar at pagawaan ng mga artisano o may mga kasanayan tulad ng manghahabi at karpintero.
mahalaga ang naging papel na ginampanan ng paring – hari sa mga templong – estado.
may mga tungkulin siya na dapat tuparin bilang isang pulitikal at ispiritwal na lider.
Sistemang Panrelihiyon

Ang mga ziggurat o templo ay tahanan ng mga sumerian.
habang tumataas ang ziggurat lumiliit ang mga baitang patungong tuktok nito.
ang bawat baitang ay pinag-uugnay ng mga hagdan.
pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos kung saan nananampalataya ang mga mamamayan ng bawat lungsod.
ang ibabang palapag ng ziggurat ay nagsisilbing bahay ng mga pari at gawaan ng mga artisano.
naniniwala sila sa maraming diyos.
apat sa pinakamahalagang nilang mga diyos.
Si An ay diyos na kumakatawan sa kalangitan.
Si Enlil naman ay diyos ng hangin.
Si Enki ang diyos ng katubigan.
Si Ninhursag ang dakilang diyosa ng sangkalupaan.
Sistemang Panlipunan
Ang mga sumerian ay may mga espelisasyon sa trabaho na nag-bibigay daan sa pag-usbong ng mga uring panlipunan.
Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal.
kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang mga pamilya.
kasunod ang mga mangangalakal, artisano,
scribe o tagasulat
at mababang opisyal.
pangatlo ang nakakaraming magsasaka at nasa ibabang uri ang mga alipin.
Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig
Ang Pagsulat na tinatawag na Cuneiform. Na isinusulat sa clay tablet uapang magtala ng import
anteng detalye.
Ang pinakaunang Epiko sa daigdig – ang Epiko ni Gilgamesh.
Gumamit sila ng araro na de –gulong.
Pagpapalayok na gamit ang gulong.
Metalurhiya ng bronse.
Paggamit ng perang pilak.
Naimbento nila ang decimal system.
ang hugis na bilog na hinati nila sa 360 degrees.
At paggamit ng kalendaryong lunar.

Kabihasnang Indus
Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.
Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga – ang kabundukan ng Himalayas at ang hindu kush.
May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito ang Khyber Pass.
ang Indus at ganges ay taunang umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan.
Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus
Noong 3500 B.C.E tinatayang lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan ( nasa Pakistan ngayon ) nasa bandang kanluran ng Ilog Indus.
Mergash – batay sa mga nahukay na labi, agrikultural at sedementaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.
ebidensiya din ang pag –aalaga ng tupa, kambing, at ox.
nagsimula din sa panahong neolitiko ang paggawa ng palayok na may pintura at paghumo ng tinapay gawa sa cereal.
ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa luwad tulad ng sa sumer.
Sistemang Pampulitikal at Pang – ekonomiya
Umusbong ang kabihasnan ng timog Asya noong 1922 natuklasan ang mga labi ng sinaunang kabihasnan.
Bandang 2700 B.C.E nabuo ang ilang lungsod sa indus dito limang lungsod ang nahukay dalawa sa pinakaimportanteng Lungsod ay ang Harappa at Mohenjo – Daro umabot ang populasyon sa dalawa sa 40, 000 katao.
sinasabi na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
katulad sa sumer kulang rin sa mga likas na yaman ang Indus tulad ng metal, kahoy, at mga semi – precious stone.
upang makontrol ang pag –apaw ng tubog sa indus, gumawa ng irigasyon, kanal, at dike ang mga dravidian.
ilan sa kanilang pananim ay trigo, barley, melon, date, at bulak.
nakikipag – kalakalan din ang Dravidian sa mga bayabayin ng Arabian Sea at Persian Gulf hanggang sa mga lungsod ng Sumer.
lulan sa kanilang barko ang samu’t saring mga produkto tulad ng perlas, tela , ivory comb, at mga butil.
Harappa at Mohenjo – Daro
Pagsasaka ang pangunahing gawain.
mga planado at organisadong lungsod.
citadel o mataas na moog at mababang bayan.
Nasa bansang kanluran ng lungsod ang moog.
nakapatong sa plataporma na ladrilyo na may taas na 12 metro at napalilibutan ng pader.
ang malaking imbakan ng butil ay nasa loob ng malaking bulwagan at pambulikong paliguan.
nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangan nakadisenyong kwadrado ( grid – patterned ) at pare – pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan. Bahay – gawa sa mga ladrilyo na pinapatayo sa pugon.
pantay ang bubong at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada.
may mga bahay na umaabot sa 2 o 3 na palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy.
Bawat bahay ay may isa o higit pang bayo na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
patunay ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na namamahala ng paggawa ng mga pampublikong proyekto tulad ng irigasyon at imburnal.
Maraming nahukay na artifact sa mga lungsod ng Harappa at mohenjo – Daro wala namang artifact ng anumang armas o sandata.
Sistemang Panlipunan
Ang kabihasnang Indus ay sinasabing may Hirar Kiya ng uring Panlipunan.
Ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga mataas na uri.
Nasa ilalim nito ang mangangalakal, artisano, at magsasaka.
Gumagawa ng mga dike ang mga magsasaka .
ang mga nasa lungsod na artisano ay abala sa paggawa ng samu’t saring produkto.
Sistema ng Pagsulat
Ang mga Ebidensiya ng pagsulat na ito ay mga selyo na may “ pictogram”.
wala pang nakakatuklas kung paano basahin ang mga pictogram o simbolo ng indus.
Dahil dito, kulang ang kaalaman sa Kabihasnang Indus.
Ang Dravidian ay isang sistema ng pagsukat at pagtimbang.
Paglaho ng Kabihasnan
Untiunting gumuho ang kabihasnang Indus noong 1750 B.C.E.
May mga iba’t – ibang paliwanag ang mga iskolar ukol dito.
Isa na rito ang ekolohiya na problema.
sinasabi rin na nagkaroon ng lindol at pagsabog ng bulkan.
May mga iba’t – ibang pangkat ng nomadiko – pastoral mula sa Gitnang asya na nakarating sa Indus.
isa na rito ang aryan.
simula noong 1500 B.C.C, ang lungsod bg Harappa at Mohenjo- Daro ay nilisan na. 

ANG KABIHASNANG EGYPT

Picture
    Ang Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil sa ilog na ito, ang buong lupain ay nagging disyerto. Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog na ito.

ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt. Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea

URI NG TAO SA LIPUNAN

Pharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)

PANAHON NEOLITIKO

Picture
ASWAN DAM
    Ay naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng Kabihasnang Egypt.


SINAUNANG KASAYSAYAN

LUMANG KAHARIAN (Panahon ng Pyraminds):

Zoser/Haring Djoser

-          Unang nagpatayo ng “piramide” and “Step Pyramind” na may 6 na patong patong na mastaba.

-          Sa tulong ng arkitekotong si Imhotep, nadesenyohan ang pirmaide

-          Ito ang isa sa pinakamatandang piramide sa kasaysayan ng Old Kingdom

GREAT PYRAMIND OF GIZA

-          Sa panahon ni Khufu/Cheops itinayo ang Great Pyramind of Giza

-          Kabilang ito sa 7 Wonders of the Ancient World.

-          Binubuo ito sa loob ng 20,000 taon kasama ng 50,000 tao

-          May sukat na 70m2, taas na 147 ft. at lawak na may kabuuan 5.3 hectares

GITNANG KAHARIAN (Pinamunuan ng 14 na Pharoah):

AMENEMHET II

-          Ang kinilala bilang pinakamahusay na pinuno ng gitnang kaharian.

-          Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt

-          Nilimitahan niya ang kapangyarihan ng mga nobles, muli niyang inorganisa ang pamahalaan at pinanatili ang kasaganaan ng kaniyang nasasakupan.

-          THEBES ang kabisera ng Egypt

-          Sa kaniyang panahon nasakop ang Nubia (rehiyon sa katimugang Egypt)

-          Maging ang Syria ay napasailalim ng kaniyang kapangyarihan

-          Pag-unlad sa kalakalan

HYKSOS

-          Napabagsak ang kaharian

-          Mga Semitic mula sa Asya

-          Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain

-          Sinakop ang Egypt sa loob ng 100 taon noong 17th century

-          Nagpakilala sa paggamit ng Chariot sa mga Egyptian.

-          Hyksos (Egyptian, “foreign rulers”)

BAGONG KAHARIAN (Empire Age) Ang pinakadakilang Panahon

AHMOSE

-          Nagbigay sa mga dayuhang Hyksos

-          Nagtatag ng bagong kaharian

-          Isang Theban Prince

-          Sa panahon niya ginawang unified nation ang Egypt

THUTMOSE II

-          Idinagdag niya sa Imperyong Palestine

-          Anak ni Thutmose I, half brother ni Reyna Hatshepsut

REYNA HATSHEPSUT

-          Anak ni Thutmose I

-          Pinakasalan ang kaniyang half brother na si Thutmose II at kaniyang kaagapay sa pamamahala hanggang siya’y  namantay.

-          Angkaniyang successor na si Thutmose III na ank niya sa iba ay namuno noong 1458 sa pamamagitan ng paghirang sa kaniyag sarili.

-          Kauna-unahang babae na namuno sa daigdig

-          Nagpatayo ng templo

-          Nagpadala rin siya ng mga ekspedisyon.

THUTMOSE III

-          Ng dahil sa kaniya, nagging maipmpulwensya ang Egypt sa Palestine, Phoenicia, at Syria.

-          Siya ang nagpatayo ng Heliopolis, Memphis, Abydos at ang templo sa Al Kamak.

AKHENATON

-          Nagpatupad ng Monotheism (pananalig sa iisang Diyos)

-          Pagsasamba kay Aton

TUNTANKHAMEN

-          “Boy King” ng Egypt

-          Naging Pharoah sa gulang na 9

-          Nagpatupad ng Polytheism (pananalig sa diyos na hihigit sa isa)

HOWARD CARTER

-          Isang British Egyptologist na nakatuklas sa labi ni Tuntankhamen

RAMSES II

-          Kinalaban at tinaboy ang Hittites

-          Si Ramses ay itinuturing bilang isang “Living God”

-          Siya ang 3rd ruler ng 19th dynasty, anak ni Seti

RAMSES

-          Sinasabing sa kaniyang pagkakaupo ay nagkaroon ng mahigit 100 anak sa iba’t ibang babae

-          Ang kaniyang 13th son na nagsilbi bilang kaniyang successor na si Merenptah ay naupo sa trono sa edad na 60

-          Namatay si Ramses sa edad na 90, ang kaniyang mga labi ay inilagak sa Valley of the Kings

PAGBAGSAK NG EGYPT:

Mga sanhi:

-          Pagpapabaya sa Ekonomiya

-          Pag-aalsa ng mga kaharian

-          Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano

Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: MAYA, AZTEC & INCA

1) MAYA- ay mga American Indians na nagkaroon ng sariling sibilisasyon sa Gitnang Amerika at Timog Mexico noong 300-900 AD.
YUCATAN- dito naninirahan ang ang pinakamalaking tribo ng Maya.
     RELIHIYON
Ang mga MAYA ay naniniwala sa humigit-kumulang 160 na diyos at diyosa.
HUN HUNAHPU- diyos ng mais.
CHAC- diyos ng ulan.
KINICH AHAU- diyos ng araw.
IX CHEL- diyosa ng buwan.
     MAIS AT BEANS- tinatanim ng mga magsasakang maya.
    KONTRIBUSYON NG MAYA SA MUNDO
MAYAN CALENDAR- nagsasaad kung kelan ang maswerteng at araw at kelan ang di-maswerteng araw.
IDEOGRAPHIC WRITING


2) AZTEC- ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Mexico. Doon naninirahan ang mga Aztec dahil sa angkop na klima at dahil na rin sa matabang lupa.
      RELIHIYON
Ang mga AZTEC ay naniniwala sa mga sumusunod na bathala:
HUITZILOPOCHTLI- bathala ng digmaan.
TANATIUH- bathala ng araw.
TLALOC- bathala ng ulan.
QUETZALCOATL- may pakpak at isang bathala at tinuturing isang bayani.
      PAGSASAKA- kinabubuhay ng mga Aztec at para makasigurado sa masaganang ani, madalas ang pagsasagawa ng seremonya para sa kanilang mga bathala.

HERMAN CORTES- sumakop sa buong Mexico.


3) INCA- ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa Latin Amerika.
     -Magaling na inhinyero at mahusay gumawa ng kalsada at tulay ang mga Inca. Ang mga daan ay gawa sa bato, at ang mga tulay na nakabitin ay yari sa lubid at baging.
     HUACA- itinuturing "banal" ng mga INCA.
     SAPA INCA- tawag sa pinuno ng Imperyong Inca. 
Kabihasnan sa Aprika
Tulad din ng mga tao sa iba’t ibang
panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika.
Malaki ang naging impluwensya ng heograp
iya sa naging pamum
uhay ng mga tao
sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay nat
utong makibagay sa
pabago-bagong klima sa
nararanasan. Kapag nagbago ang
klima o lumaki ang populasyo
n sa lugar na kanilang
tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan matutugunan nila ang
kanilang pangangailangan.
Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong
ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa
mga tao sa Europa at Asya
. Ito ang naging dahila
n upang ang kanilang wika, kultura’t
tradisyon ay labis na naimpluwensy
ahan ng mga dayuhang ideya at gawi.
Ang pinakamatanda at pinakamakapangyari
hang sibilisasyong umusbong sa Aprika
ay ang sibilisasyong
Ehiptona
nagsimula sa masaganang
Lambak ng Nile
. Di
nagtagal, may mga lunsod, estado na lumaki
bunga ng malawakang kalakalan sa may
baybayin ng Silangang Aprika at dulo ng timog ng
Sahara.
Ang kahusayan ng mga griyego ay nakita
sa pamumulaklak ng sining at agham.
Samantala ang mga Romano ay mas praktikal
na mga tao. Nanguna sila sa batas at
pamahalaan at mahuhusay din silang inhinyer
o. Mula sa Imperyong Romano, kinilala
ang relihiyong
Kristiyanismo
. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ang Roma pa
rin ang sentro ng pananampalatayang Katoliko. 
   Kabihasnan sa Pasipiko
Melanesia nagmula sa salitang Griyego na melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ang kahulugan ay isla. Binubuo ito ng mga pulo ng New GuineaNew CaledoniaNew HebridesFijimga Pulo ng Solomon at iba pa. Kaya tinawag na melanesia ang mga isla rito dahil ang mga nakatira rito ay maiitim ang kulay ng balat. Ang pulo ng New Guinea ang pinakamalaking pulo sa Melanesia maging sa buong Oceania.
Micronesia nangangahulugang maliit na mga pulo. Kabilang dito ang MarianasGuamWake IslandPalau, ang Marshall IslandsKiribatiNauru, at ang Federated States of Micronesia. Matatagpuan ang karamihan ng mga pulong ito sa hilaga ng ekwador.
Polynesia nangangahulugang maraming mga pulo. Kabilang dito ang New Zealand, ang Hawaiian IslandsRotuma, ang Midway IslandsSamoaAmerican Samoa,TongaTuvalu, ang Cook IslandsFrench Polynesia, at Easter Island. Ito ang pinakamalaki sa tatlong pangkat.